Erwin Tulfo: Cash aid ipamahagi sa mga benepisyaryo, ora mismo!

Erwin Tulfo: Cash aid ipamahagi sa mga benepisyaryo, ora mismo!

July 4, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo nitong Lunes na nais niyang agad na maipamahagi ang cash assistance sa ilalim ng ahensya sa mga benepisyaryo.

Ibinahagi ni Tulfo na kinakailangan pang bumalik ng mga benepisyaryo sa government offices upang makuha ang assistance dahil sa dami ng rekisitos.

ā€œAng gusto kong mangyari sana, ora mismo, ngayong araw din mailabas mo ang kapamilya o kamag-anak mo o kailangan mo ng burial at kailangan nang bayaran ang punerarya, kailangan ngayon din ho ay mabayaran na,ā€ aniya.

Ayon pa kay Tulfo, nais niyang bawasan ang rekisitos upang makakuha ng tulong mula sa pamahalaan.

Samanyala, inihayag ni Tulfo na nagsimula na ang pamamahagi ng P500 cash aid sa mahihirap ma pamilya sa ilalim ng DSWD program. RNT/SA