Erwin Tulfo papalit na ACT-CIS party-list rep?

Erwin Tulfo papalit na ACT-CIS party-list rep?

February 23, 2023 @ 8:37 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos na magbitiw ang nominee ng ACT-CIS party-list na si Jeffrey Soriano ay umugong naman na maaaring ang pumalit dito ay si dating Social Welfare Development Secretary Erwin Tulfo.

Sa ulat ng GMA News Online, sinabi umano ito ng dalawang staff members ng dalawang mataas na katungkulan sa Kamara.

Matatandaang si Tulfo ang pinili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para pamunuan ang DSWD pagkatapos ng halalan noong Mayo 2022.

Gayunpaman, nabigo ang nominasyon ni Tulfo na makuha ang pag-apruba ng Commission on Appointments (CA) dahil sa isyu ng kanyang nationality.

Ang ACT-CIS, na kumakatawan sa Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support, ay humahawak ng tatlong puwesto sa 19th Congress matapos manguna sa 2022 party-list race na may mahigit dalawang milyong boto.

Ang dalawa pang mambabatas ng ACT-CIS party-list ay ang hipag ni Tulfo na si Jocelyn, at si Edvic Yap. RNT