ES Bersamin, Finance Chief Diokno kumpirmado na ng CA

ES Bersamin, Finance Chief Diokno kumpirmado na ng CA

November 24, 2022 @ 7:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang tumutol sa Commission on Appointments (CA) at inaprubahan na ang appointment nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno.

“I was fully aware too that the position of executive secretary despite the highest prestige and stature it would bring to me as a person would come with the most challenging demands. But I am confident that my varied experience in the public service, in general and the judiciary in particular, would serve me in good stead in overcoming the myriad challenges,” ani Bersamin sa deliberasyon.

Si Bersamin, noon ay naglilingkod bilang hepe ng Government System Insurance Corporation, ay itinalaga bilang executive secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang Officer-in-Charge na kapasidad noong Setyembre 27 ngayong taon.

Dati ring naging presiding judge ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong Nob. 5, 1986 sa edad na 37, si Bersamin at kalaunan ay naging ika-25 na Punong Mahistrado noong Nob. 28, 2018.

Samantala, si Diokno ay nakapaglingkod na sa apat na pangulo noong siya ay nasa Department of Budget and Management, Bangko Sentral ng Pilipinas Governor, at ngayon sa DOF.

“If confirmed, I swear that I will continue to serve the Filipino people to the best of my ability,” ani Diokno sa CA. RNT