ES RODRIGUEZ BINIBIRA NG MGA MAPAGSAMANTALA

ES RODRIGUEZ BINIBIRA NG MGA MAPAGSAMANTALA

July 25, 2022 @ 3:12 PM 3 weeks ago


SINABI ni Magsasaka Party­list Rep. Argel Cabatbat na hindi na siya nagtaka kung bakit may ilang hanay sa pa­ma­halaan ngayon ang tila kabi-kabilang umaatake laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez.

Aniya bagaman hindi maganda para sa administras­yon ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang ginagawang pag-atake sa kanyang execu­tive secretary, normal lamang ito lalo pa’t naninindigan si Rodriguez na gawin ang dapat sa pamahalaan. “Buffer  siya. Talagang ‘yan naman ang trabaho ng ES, to take the hit-HIT-and take the heat-H-E-A-T. So dapat talaga he should step up and expect na mang­yayari iyan,” ani Cabatbat.

Kamakailan ay kumalat ang balitang nagbitiw na bilang ES si Rodriguez bagay na agad pinabulaan nito nang ha-rapin ang mga miyembro ng Malacanang Press Corps.

“I’m just here. I hardly go out of my office, probably that’s one. I don’t know how the rumor started but all of us in the Cabinet, regardless of the portfolio that he or she is holding or handling,” ani Rodriguez.

Sa isang banda naniniwala si Cabatbat na hindi kasama ang puwesto ni Rodriguez para sa tinatawag na 100 days honeymoon period dahil bilang ‘little president,’ natural na sa kanya ibaling ang mga hindi nakukuhang pabor ng ilang naghahanap ng puwesto sa pamahalaan.

“Ang opposition sa presidente galing sa labas. Malamang ang opposition sa ES galing sa loob.So sa tingin ko talagang hindi maibibigay sa ES iyon (honeymoon period). Dahil marami talagang blocks na tumulong sa Presidente na “they will really impose their will.”

Talagang expected na hindi maibibigay ito sa ES. Pero, mga tsong, dapat ma­pag­big­yan din siya kasi siya ang pi­­nag­kakatiwalaan ng Presidente, eh,” sabi pa niya.

Sa isang banda, nanga­ngamba ang kongresista na sakali mang may ilang grupo sa ‘inner circle’ ng Palasyo ang nagpaplano ng masama para ipatanggal si Rodriguez bagay na hindi maganda para mismo sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

“Sana talaga magkaroon na ng equilibrium very soon. Malapit na ang SONA, ang mga ganitong lumalabas na impormasyon, this is not really good for the President. Sana talaga. Lahat, this is the role of the administration to find harmony among themselves. Pagkatalaga meron hindi nagkasundo, problema talaga iyon,”wika pa nito.

Ang reklamo ng ilan na mabagal ang ginagawang appointment sa ilang puwesto ng pamahalaan ay hindi rin dapat tingnan bilang negatibo para sa PBBM administration dahil pagapatunay ito ng pagiging seryoso ni PBBM na seryosong pagtatalaga ng mga tamang tao sa gobyerno.