ES Rodriguez dumalo sa sugar probe matapos ma-isyuhan ng subpoena

ES Rodriguez dumalo sa sugar probe matapos ma-isyuhan ng subpoena

September 6, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tuluyan nang dumalo si Executive Secretary Victor Rodriguez sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee hinggil sa sugar importation fiasco matapos aprubahan at nilagdaan ang subpoena laban dito.

Naunang pormal na inihayag ni Senador Francis Tolentino, chairman ng blue ribbon na kanyang nilagdaan ang subpoena alinsunod sa kahilingan ng 11 senador na pumabor sa pagpapalabas ng subpoena.

Nanguna sa pumabor sa pag-isyu ng subpoena si Senador Risa Hontiveros na pawang dismayado sa hindi pagdalo ni Rodriguez sa pagdinig.

Ilang minute matapos lagdaan ang subpoena, kaagad dumating si Rodriguez saka humingi ng paumanhin sa komite sa hindi nito pagdalo sa nakaraang pagdinig.

“I sincerely apologized, I had no intention whatsoever to disrespect the Senate as an institution, as I learned the subpoena, I immediately informed the SP to attend the hearing,” ayon kay Rodriguez. Ernie Reyes