ES RODRIGUEZ, MALINIS ANG KONSENSIYA

ES RODRIGUEZ, MALINIS ANG KONSENSIYA

September 10, 2022 @ 4:04 PM 3 weeks ago


PAHIYA ang lahat operators na may planong siraan si Executive Secretary Vic Rodriguez dahil hinarap niya ng maayos at sinagot ang mga katanungan ng mga senador sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa importasyon ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.

Para sa mga detractor ni Rodriguez, magandang pagkakataon upang ipahiya nila ang una sa pagdalo nito sa pagdinig dahil talagang puntirya nilang pabagsakin ito.

Naunang nagpalabas ng subpoena ang Mataas na Kapulungan laban kay Rodriguez dahil sa hindi nito pagdalo sa ikalawang Senate Hearing subalit naunawaan ng marami ang dahilan nang hindi pagdalo ng tinatawag na “Little President” ng Palasyo.

Todo-todong ‘paggisa’ ang ginawa sa Executive Secretary nina Senate Minority leader Koko Pimentel, Senators Alan Peter Cayetano at Riza Hontiveros subalit simple at malumanay ang pagsagot ng taga-Palasyo.

Bagaman pina-ikot-ikot lang ang tanong kay Rodriguez, hindi naman napunta sa kanal ang sagot ng huli sapagkat diretso lang siya sa mga tugon niya.

Sabi nga ng mga kasamang nakakakilala kay ES, malinis ang konsensiya nito at walang halong dumi sa pag-iisip nito at maging pag-iimbot sa salapi ng pamahalaan na nasa kaban ng bayan.

Dahil naman sa pagsagot ni Rodriguez sa mga katanungan sa kanya, kumbinsido ang mga mambabatas na walang kinalaman ang Malakanyang sa 300,000 metric tons ng asukal na nais i-import ng Sugar Regulatory Administration kaya posibleng tapusin na ang pagdinig.

Sa pagdinig, binara rin ng mga mambabatas si SRA administrator Hermenegildo Serafica nang sabihin nitong nais pa nga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na 600,000 metric tons na asukal ang importahin.

Sa isyu ng pagsibak kay Agriculture undersecretary Leocadio Sebastian dahil sa pagpirma nito sa ‘import permit’, sinabi ni Rodriguez na isang

Career Executive Service Officer si Sebastian kaya’t hindi ito basta-basta masisibak, base na rin sa itinatadhana ng batas.

Ang suspensiyon nito ay ipinalabas dahil mismong si Sebastian ang humiling nito at kung tatanggalan man sa puwesto ang opisyal, ito’y idadaansa tamang proseso, base sa itinatadhana ng batas.

Sa naganap na pagdinig sa anomaly, lilitaw at lilitaw ang tunay na salarin kaya’t hinihintay na lang ang report ng committee na nag-imbestiga sa anomalya ng asukal.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]