ES RODRIGUEZ MALINIS ANG PAGKATAO

ES RODRIGUEZ MALINIS ANG PAGKATAO

July 27, 2022 @ 1:45 PM 2 weeks ago


INAMIN ni Executive Secretary Atty.Victor Rodriguez sa media na isang kuwentong kutsero ang lumutang na isyung panunuhol umano kamakailan kapalit ng isang mataas na puwesto sa kasalukuyang administrasyon.

At pinasinungalingan ng ‘little president’ sa Malacañang Press Corps ang pagma’Marites’ ng mga kaaway niya nagpapakalat na nagbitiw na siya sa puwesto bilang alter-ego ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Syempre ang kuwento ay galing sa mga umano’y tumaya kay Presidente Marcos noong kampanya pa lang na hindi nakukuha hinahangad na posisyon sa gobyerno.

Tangna,hindi yata alam ng mga kumag na ang ipinagma-marites nila ay malinis hindi lang ang pangalan subalit maging ang budhi. Hindi kailanman nadungisan o nasabit ang kanyang pangalan sa kalokohan at katiwalian bukod pa ito sa pagiging isang sikat na abogado sa bansa.

Sa ilang nakakakilala kay Rodriguez, , batid ng mga ito na hindi lang naman noong panahon ng kampanya nagtrabaho itong ES kay PBBM subalit nagplaplano pa lang ang huli ng kanyang mga programa upang makapagsilbi sa bayan ay maguusap, magkasama at nagkakaintindihan na ang dalawa hanggang parang sa naging magkapatid na sila.

Ibig sabihin,hindi lang tagapagsalita at abogado ni Presidente Bongbong ang naging papel ng matinik na kalihim subalit ginampanan nito ang iba’t ibang trabaho na sa kanya lang maipagkakatiwala ng Pangulo.

Sa ibang salita, napakataas ng tiwala sa kanya hindi ng mismong Pangulo subalit maging ang pamilya nito, mga kaanak, kaibigan at ilang malalapit na kakilala.

Kaya yung mga nagsasabing tumaya sila kay Presidente Marcos noong halalan kaya naghahangad ng mataas na puwesto, sorry na lang kayo. Pera lang ang ibinigay ninyo na hindi naman hiningi sa inyo sa halip ay kusang-loob na ipinagkaloob.

Pero si Rodriguez, kabuhayan, lakas , panahon at damdamin ang ipinundar upang pagkatiwalaan ng Pangulo kaya mag-isip-isip muna bago gumawa ng hakbang upang tibagin si ES.

Buking tuloy ang grupo na nais mapuwesto upang makapagpayaman at hindi isapuso ang layon ni Presidente Marcos na pagsilbihan ang bayan at iangat ang antas ng pamumuhay ng mamamayan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]