Escudero kasama na sa majority bloc sa Senado

Escudero kasama na sa majority bloc sa Senado

June 22, 2022 @ 2:56 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Pormal nang inihayag ni Senador Francis “Chiz” Escudero na sasama na siya sa majority bloc sa Senado sa pagbubukas ng 19th Congress na pamumunuan ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na kapag nagbukas ang 19th Congress sa Hulyo 24, iboboto nya si Zubiri bilang senate president kaya’t kasama na siya sa majority bloc.

“[I will be joining] the majority. Being in the majority means you voted for the winning Senate president. I will vote for Migz (Juan Miguel Zubiri),” ayon kay Escudero sa text message.

Sa hiwalay na Viber message sa reporters, pinasalamatan ni Zubiri ang kanyang matagal nang kaibigang si  Escudero sa pagsuporta sa kanyang kandidatura bilang presidente ng Senado sa 19th Congress.

“I am honored to have Sen. Chiz Escudero by my side and I am deeply humbled by his support and friendship. Sen. Escudero and I have been friends for twenty four years since we were young lawmakers in the 11th Congress and I’m proud to say that trough thick and thin, our friendship has remained  steadfast and strong,” ayon katy Zubiri.

Saka binanggit ni Zubiri ang kakayahan ni Escudero na lubhang kailangan ng majority bloc upang maipasa ang ilang panukalang batas para sa bansa.

“Being a veteran lawmaker and a brilliant lawyer, he brings the skills and experience that the majority block would need to champion laws and advocacies for the good of the nation,” ayon kay Zubiri.

“I value his membership to the supermajority and I thank him for his trust and support,” dagdag niya. Ernie Reyes