Escudero sa Palasyo: RCEP ‘di dapat makahadlang sa pag-unlad ng agrikultura

Escudero sa Palasyo: RCEP ‘di dapat makahadlang sa pag-unlad ng agrikultura

February 20, 2023 @ 12:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dapat gumawa ng pamamaraan ang pamahalaan upang tiyakin na hindi maapektuhan ang local na magsasaka at iba pang stakeholder sa sektor ng agrikulutra kapag lumahok ang bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa pagdating ng panahon, ayon kay Senador Chiz Escudero.

Kasabay nito, nilinaw naman ni Escudero na hindi siya tutol sa ratipikasyon ng RCEP pero inamin na kasalukuyan pa nitong inaaral ang committee report na kasalukuyang tinatalakay sa plenaryo ng Senado.

Alinsunod sa itinakda sa Saligang Batas, tungkulin ng Senado na aprubahan o ibasura ang anumang tratado ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng RCEP na kinabibilangan ng 14 pang ibang bansa sa Asya.

ā€œTratado ito na ira-ratify o ire-reject lamang ng Senado. Hindi ito parang batas na puwedeng amyendahan o baguhin pa (It is a treaty that can only be ratified or rejected by the Senate. It is not like a law that can be amended or changed,ā€ ayon kay Escudero sa interview ng Radio DZBB.

ā€œTake it or leave it ika nga ito,ā€ aniya.

Sinabi ni Escudero na kasalukuyang tinitimbang ng ilang mambabatas ang pakinabang kung mayroong RCEP na mas marami kaysa sa negatibong epekto nito na maibibigay sa bansa.

ā€œAng pinaka-puwedeng magawa na lamang ay humiling ng assurance mula sa Executive department na yung mga tatamaang sektor ay mabibigyan ng karampatang ayuda at tulong upang makatayo laban sa mga produktong manggagaling sa ibang bansa na mas mura, mas maganda marahil kumpara sa kasalukuyang mga produkto natin partikular sa sektor ng agrikultura,ā€ ayon kay Escudero.

Nitong nakaraang linggo, inisonsor ni Senate President Juan Miguel ā€œMigzā€ Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang committee report sa naturang mega free trade deal sa plenaryo ng Senado.

Bukod kina Zubiri at Legarda, lumagda sa committee report ang 14 pang senador na kinabibilangan nina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Minority Leader Aquilino ā€œKokoā€ Pimentel III, Senators Francis Tolentino, Robin Padilla, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Manuel ā€œLitoā€ Lapid, Ramon ā€œBongā€ Revilla, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Joseph Victor ā€œJVā€ Ejercito, Nancy Binay, Ronald ā€œBatoā€ Dela Rosa, at Grace Poe. Ernie Reyes