Eskuwaladong tulak buwal sa Bulacan buy-bust

Eskuwaladong tulak buwal sa Bulacan buy-bust

October 26, 2022 @ 3:27 PM 1 month ago


Bulacan – Patay ang isang pinaghihinalaang tulak na kargado ng baril matapos magbenta ng iligal na droga at makipagputukan sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ni Bulacan Police OIC PCOL. Relly Arnedo ang napatay na si Edgar Labay, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Malipampang.

Sa report, ikinasa ang operasyon laban sa target ng pinagsanib na pwersa ng San Ildefonso police, Provincial Intelligence Unit at SOU-3 PNPDEG bandang 1:18 ng madaling araw nitong Oktubre 26 sa Brgy. Pinaod.

Ayon sa ulat, nakatunog ang target na pulis ang kanyang naka-transaksyon kaya nagtatakbo ito at namaril.

Ginantihan naman ng mga pulis ang putok ng target na tumama at nagpabuwal sa kanya na agarang ikinamatay nito.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre .45 pistola na may magazine, limang sachets na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money. Dick Mirasol III