Eskwaladong ‘tisoy’ na tulak, todas; kasabwat nakatakas

Eskwaladong ‘tisoy’ na tulak, todas; kasabwat nakatakas

January 20, 2022 @ 11:57 AM 7 months ago


Bulacan – Patay sa kauna-unahang buwan ng taon ang pinaghihinalaang tulak na nabilhan ng iligal na droga at nakipagbarilan habang nakatakas ang kanyang kasama sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang namatay na si Rolando Hallasgo,alyas “Tisoy”,residente ng Brgy.Muzon habang hindi nakilala ang kanyang kasamahan na nakatakas sa operasyon.

Ikinasa ang operasyon bandang 10:55 pm nitong Miyerkules,Enero 19 sa Sitio Panaklayan,Pabahay 2000,Brgy.Muzon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,nakaamoy ang mga suspek na undercover ang kanilang nabentahan kaya namaril ang mga ito ng pulis na tangkang umaresto sa kanila.

Gumanti ng putok ang mga pulis kaya bumulagta ang suspek habang nakatakas naman ang hindi nakilalang kasamahan na tumakbo sa madamong lugar.

Dahil dito,agad dinala ng mga awtoridad sa City District Hospital ang sugatang suspek subalit dead on arrival ito.

Nakuha ng SOCO sa lugar ang cal.380,limang bala,dalawang basyo nito,tatlong basyo ng 9mm,dalawang piraso ng P1,000,sling bag,coin purse na naglalaman ng pitong sachet na pinaghihinalaang shabu,black Rusi Flair motorcycle at Myphone cellphone. (Dick Mirasol III)