ESKWELA AT EDUKASYON

ESKWELA AT EDUKASYON

August 8, 2022 @ 9:23 AM 2 months ago


ISA ako sa mga excited sa pagbubukas ng mga paaralan at pagbalik ng mga estudyante sa face-to-face na classes kahit  na nga meron konting kaba dahil sa pag-taas ulit ng mga kaso ng COVID-19 ngayong Agosto, mukhang pabor ang maraming magulang at mag-aaral dito.

Totoo kasi na mahirap ang mga offline o face to face classes.

Mas kokonti ang nauunawan ng mga estudyante kapag modular o kaya ay online classes.Hirap din ang guro na bantayan nang maayos kung nakikinig nga sa online classes o kung ang bata nga ang sumagot sa kanyang mga learning modules.

Marami rin sa mga magulang ang todo-sakripisyo noong wala pang face-to-face classes.

Bukod sa kapos ang oras para tutukan ang pagtulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral, madalas ay hindi rin kayang ituro ni nanay o ni tatay ang pinag-aaralan ng mga anak.

Sa ganitong mga sitwasyon, talo ang bata, talo ang magulang at lalong talo ang pangkalahatang edukasyon.

Naniniwala akong handa na ang DepEd sa muling pagbalik ng milyong mga estudyante sa mga silid-aralan.

Sapat na ang adjustments katulad ng pagtatakda ng wastong bilang ng mga estudyante sa bawat classroom,  health protocols at nito lang nakaraang mga araw, ang paglulunsad ng Brigada Eskwela.

Magpasalamat tayo sa  LGUs at mga pribadong sector na naging katuwang ng mga ekwelahan at Parent-Teachers Associations (PTAs) sa paglilinis at pagsasa-ayos ng mga paaralan na ilang araw na lang ay tatauhan na ng mga empleyado ng paaralan at mga estudyante.

Obviously, meron pang mga hamon na haharapin, kasi nga may mga nasirang classrooms at pasilidad dahil sa Bagyong Odette at  lindol sa Abra at Ilocos.   Nagmahal ang mga bilihin at school supplies at baka raw kapusin ang ilang mga lugar ng mga libro, mesa at mga gamit pang-aral. May mga paaralan din dawn a kapos sa silid-aralan.

Pero sigurado ako, tama ang desisyon ni Vice President at DepEd Secretary Sarah Duterte na tutukang mabuti ang proseso ng pagbabalik ng face-to-face classes.