Esmi  ni player napagkamalang fan ni manong guard

Esmi  ni player napagkamalang fan ni manong guard

February 27, 2022 @ 11:11 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Natawa ang star player sa inasal ng guard kamakailan sa venue ng game ng team ni player.

Pagkatapos ng laro ay inaabangan ang basketbolista ng kanyang asawa. Biglang umepal ang guard na tinanong ang esmi ng player kung magpapa picture ito sa player.

Biglang sabi ng player kay   Manong guard.  ” Hindi yan fan kuya, asawa ko yan. .Mas mahigpit pa yan sayo sa pagbabantay “

Humingi ng paumanhin ang guard sa player. Siguro si dyowa ay nakatabi sa mga fan ng basketbolista  kaya napagkamalan siyang fan rin

Kakamot-kamot ng  ulo si Manong guard. Simple lang kasi ang asawa ng player, pangkaraniwan lang ang ganda nito na ‘di mapakakamalang dyowa ng player.

Hindi tulad ng ibang esming mga players na soyalin ang dating na alam mong wife sila ng players.

Pero huwag judgmental, may mga player rin kasing mas gustong simple lang ang asawa.Basta maasikaso sa kanilang pamilya .HULA WHOOPS? Dwayne Rituel