Espejo, Bagunas panalo sa V. League

Espejo, Bagunas panalo sa V. League

January 16, 2022 @ 1:11 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Kapwa nakapagtala ng panalo ang dalawang Pinoy imports na sina Bryan Bagunas at Marck Espejo sa 2021 Japan V. League.

Nagpakawala ang  24-anyos na reinforcement na si Bagunas ng game-high 28 puntos, 25 attacks, 2 blocks at 1 ace habang umambag si Emerson Rodriguez ng 21 marka, 21 attacks at ace.

Sa kabilang banda, sa limitadong minuto lang nasalang si Espejo pero ginapi ng kanyang FC Tokyo team ang VC Nagano Tridents, 26-24, 25-14, 22-25, 25-14 at nakabawi sila mula sa nakaraang pagkatalo kontra Panasonic.

Pinamahalaan ni Bagunas ang Oita Miyoshi upang lupigin ang Panasonic Panthers sa five-set trhiller, 35-33, 21-25, 26-24, 18-25, 16-14.

Scoreless pa ang Pinoy nang maglaro sa opening set. Maglalaro muli ang Oita MIyoshi at FC Tokyo ngayong Linggo laban sa parehong katunggali.  JC