Esperon nanindigan: Bulatlat, Pinoy Weekly websites nagpo-promote ng terorismo

Esperon nanindigan: Bulatlat, Pinoy Weekly websites nagpo-promote ng terorismo

June 23, 2022 @ 11:21 AM 2 days ago


MANILA, Philippines – Kasama ang mga news organizations na Bulatlat at Pinoy Weekly sa mga website na nakalista at isinumite ni National Security Adviser (NSA) Secretary Hermogenes Esperon Jr. sa National Telecommunications Commission (NTC) para i- block sa internet dahil di umano’y sinusuportahan at pino-promote ng mga ito ang terorismo.

Sa isang kalatas, sinabi ni Esperon na ang panindigan at i-promote ang katotohanan ay national security responsibility na may kaakibat na public interests, lalo na ngayon sa digital age kung saan karamihan sa mga Filipino ay kumukuha ng kanilang impormasyon mula sa iba’t ibang social media platforms.

Ang mga website aniya na Bulatlat at ang Pinoy weekly ay kabilang sa mga kritiko ng kasalukuyan pero paalis nang administrasyon at maging sa papasok na gobyerno ni incoming President Bongbong Marcos.

Pino-promote ng Bulatlat at Pinoy Weekly ang “misinformation” at maging ang terorismo taliwas sa kanilang sinasbai na “advocates” sila ng katotohanan at objectivity.

“Misinformation remains to be one of the nation’s greatest enemies; and is in fact a powerful tool used by the Communist Terrorist Group to sow enmity and discord—dividing the Filipino people and separating us from objectivity and the truth,” ayon kay Esperon.

“Though we recognize that websites like Bulatlat and Pinoy Weekly have been using their platforms to spread information on causes important to them, we cannot simply turn a blind eye to the fact that they have actively supported organizations affiliated with the CPP-NPA-NDF,” dagdag na pahayag ni Esperon.

Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagkilos ng gobyerno na maparalisa ang nabanggit na grupo bunga ng umano’y pandadahas at pagpapakalat ng mga ito ng maling impormasyon sa publiko. Kris Jose