Espiritu, sinundan si Age Guy sa paglipat ng bahay?

Espiritu, sinundan si Age Guy sa paglipat ng bahay?

July 7, 2021 @ 9:33 AM 1 year ago


Manila, Philippines – May garden ang inuupahang bahay ngayon ni Nora Aunor sa Quezon City.

Doon niya ikansasisiyang pagmasdan ang mga halaman sa pader, at nagpka-busy na rin sa paghahalaman.

Kaiba ang Superstar sa maraming artistang hindi pumipirmi sa iisang tirahan nang mahabang panahon.

Sa isang tson yata, sa dalawa hanggang tatlong bahay siya lumilipat. Hate niya ang condo unit dahil hindi siya malayang makagalaw.

Tuloy, naglutangan uli ang kuwento sa likod ng madalas niyang paglipat.

May mga umano’y nagpaparamdam na espiritu mula pa sa Bicol ang pilit siyang sinusundan hanggang Maynila.

Pero ayon sa isang taong malapit kay Nora, “Hindi totoo ‘yon. Mas gusto ni Guy na tumira sa bahay kung saan kumportable siya! At kaninong espiritu naman ‘yung sumusunod sa kanya hanggang dito sa Maynila, aber?” Ronnie Carrasco III