Espisipikong plano ni PBBM sa pagbangon mula sa pandemya, gustong marinig ni Legarda

Espisipikong plano ni PBBM sa pagbangon mula sa pandemya, gustong marinig ni Legarda

July 21, 2022 @ 4:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Gustong marinig ni Senador Loren Legarda ang espisipikong plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagbabangon sa pandemya ng COVID 19 at transisyon sa mas mahusay na normal.

Sa pahayag, tinukoy ni Legarda na nagsisilbing preamble ang State of the Nation (SONA) ng bawat bagong administrasyon kaya’t nararapat na madinig din ang kanyang plano at hakbang sa naturang isyu.

“I hope that it is one that is aligned and attuned to the climate path,” ayon kay Legarda.

Sa pagbubukas ng unang regular sesyon ng 19th Congress, magsisilbi si Legarda biang Senate President Pro-Tempore.

Sinabi ni Legarda na nasasabik na niyang madinig ang pagtalakay ng Pangulo sa priority programs at policy reforms sa kalusugan at edukasyon, food security, agriculture at sustainability program, economic art fiscal policies, human rights at social justice, unemployment and underemployment, legislative agenda at kritikal na papel ng local government.

Gusto din madinig ni Legarad ang posisyon ng Pangulo sa mga sumusunod:

  • Plano sa pagpapalakas ng educational system sa bansa matapos matuklasan ng World Bank noong 2021 na mahigit 80 porsiyento ng estudyanteng Filipino ay mababa sa minimum proficiency level kaya isinusuhestiyon ng numero na may krisis sa edukasyon.;

  • Tugon sa lumulubong pambansang utang na umabot na sa P12.68 trilyon;

  • Foreign policy kabiang ang sigalot sa maritime sa China sa pag-aangkin nito sa West Philippine Sea;

  • Plano sa pagtugon o paglimita sa masamang epekto ng inflation particular ang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo. Ernie Reyes