Estapadora dinamba

Estapadora dinamba

July 5, 2022 @ 9:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang wanted sa kasong estafa sa Caloocan City.

Ibinalibag sa selda ang suspek na si alyas “Marites,” nasa hustong gulang, bandang alas-2:55 ng hapon nitong Lunes sa Gen Luis. St., Barangay Caybiga, ng lungsod.

Hindi na nakaporma ang suspek nang matunton sa manhunt operation na inilunsad ng warrant and subpoena section ng pulisya ng lungsod.

Dinakip ang suspesk sa bisa ng warrant para sa kasong Estafa through Falsification of a Commercial Document in relation to Art. 172 of the Revised Penal Code na inisyu ni Hon. Ma. Victoria Q. Padilla-Awid, Presiding Judge, Metropolitan Trial Court Branch 117, Taguig City. Merly Iral