Ester bumagal sa PH sea, mas pinalakas ang Habagat

Ester bumagal sa PH sea, mas pinalakas ang Habagat

July 30, 2022 @ 8:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Bumagal ang Tropical Depression Ester sa Philippine Sea nitong Sabado, subalit mas pinalakas nito ang Southwest Monsoon (Habagat) na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, kabilang ang Metro Manila, at Visayas, batay sa PAGASA.

Ang  monsoon ay mas pinalakas din ng Tropical Storm Songda na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Inihayag naman ng PAGASA na walang tropical cyclone wind signal para kay Ester.

Sa susunod na 24 oras, ang monsoon na pinalakas ni Ester at Songda ay magdudulot mg light to moderate at malakas na ulan sa ilang probinsya sa kanlurang bahagi ng southern Luzon kabilang ang Metro Manila at Visayas.

Magiging maulap ang kalangitan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Zambales, Bataan, Aklan, Antique, at Samar Provinces na sasabayan ng kalat na pag-ulan.

Magiging maulap ang kalangitan sa natitirang bahagi ng bansa na may “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms due to the monsoon and localized thunderstorms. PAGASA said flash floods or landslides may possibly occur during severe thunderstorms.”

Inaasahan naman na ang ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa northern at eastern seaboards of ng bansa dahil kay Ester at sa monsoon.

Mapanganib ang sea travel para sa maliliit na seacraft.

“Mariners are advised to take precautionary measures when venturing out to sea and, if possible, avoid navigating in these conditions,” babala ng PAGASA.

Samantala, inaasahang tutungo si Ester pa-norte hanggang north northwestward at lalabas ng PAR mamayang hapon.

“Outside the PAR region, the tropical cyclone is forecast to pass very close or make landfall in the vicinity of the Ryukyu Islands tonight or tomorrow early morning,” ayon sa PAGASA.

Nag-abiso ang weather bureau advised sa publiko at disaster risk reduction and management offices na mag-ingat. RNT/SA