Estilo ng SONA ni PDU30, malalaman sa Hulyo 15

Estilo ng SONA ni PDU30, malalaman sa Hulyo 15

July 8, 2020 @ 3:08 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilimitahan ng Malacanang ang bilang ng mambabatas na makadadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng ikalawang regular session ng 18th, ayon kay Senador Nancy Binay.

 

Ayon pa sa senadora na maaring malaman na kung anong estilo o kung paano isasagawa ang SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 15.

Sa Zoom press conference, sinabi ni Binay na Palasyo din ang magtatakda ng health at safety protocols upang maiwasan magkaroon ng hawahan sa dadalo.

Hindi pa malalaman sa ngayon kung may mga imbitadong opisyal ng gobyerno, miyembro ng diplomatic corps, iba pang lider-negosyante at dating pangulo ng bansa.

“Malacanang ang magtatakda ng protocol saka 50 kongresista at 8 senador lang ang pinayagang dumalo. Yan ang huling napag-usapan bago mag-adjourn ang Senado,” ayon kay Binay.

Sinabi ni Binay na lahat ng senador, pinapapasok sa June 24 ng umaga sa pagbubukas ng sesyon sa Senado, at limitado din ang makadadalo opisyal at empleyado ng Mataas na Kapulungan.

“Iyong hindi makadadalo sa SONA, pinag-online lang, saka apat lang sa secretariat ang makadadalo,” ayon kay Binay.

Aniya, walang pang opisyal na listahan kung sino sa mga senador ang makadadalo sa SONA, pinag-aaralan pa ito ni Senate President Vicente Sotto III at ng secretariat.

“Sa July 15 malalaman kung sino makadadalo,” aniya.

Nakatakda din siyang mag-recycle ng gown na gagamitin sa pagbubukas ng sesyon ng Senado, kaya’t hindi na kailangan pang magpagawa dahil limitado pa rin ang galaw ng mga mananahi.

“Eh sino mag-make up sa iyo, hindi ko nga alam kung pinapayagan na ang lahat sa loob ng parlor,” ayon pa sa mambabatas.

Ipagbabawal din umano ang media coverage nasa naka-live stream naman ang buong sesyon sa Senado at sa Mababang Kapulungan.

“Baka bawal ang media coverage. Di ba sa House, maraming nagkakahawahan di ba. Eh baka daw magkahawahan,” giit ng  mambabatas.

Kamakailan, may empleyado ang naging positibo muli sa Senado. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...