Estrada sa K-drama ban, ‘Nadala lang ng emosyon’

Estrada sa K-drama ban, ‘Nadala lang ng emosyon’

October 19, 2022 @ 5:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Senador Jinggoy Estrada nitong Miyerkules, Oktubre 19 na dala lamang ng kanyang emosyon at pagkadismaya sa kawalan ng suporta sa lokal na takilya, ang kanyang naging pahayag na naiisip niyang bawalan na umere sa bansa ang mga Korean drama at iba pang pelikulang banyaga.

“Kaugnay sa aking pahayag kahapon sa mga foreign-made shows, my statement stems from the frustration that while we are only too eager and willing to celebrate South Korea’s entertainment industry, we have sadly allowed our own to deteriorate because of the lack of support from the moviegoing public,” sinabi ni Estrada.

Nilinaw din niya na wala siyang plano na maghain ng panukalang magbabawal sa mga foreign-made series at pelikula na ipalabas sa Pilipinas.

“Wala po akong balak i-ban. That was said out of frustration. Gusto ko talaga Filipino first,” anang Senador sa panayam ng DZBB.

Wala rin umanong masamang tinapay si Estrada sa tagumpay ng Korean entertainment ngunit kailangan din na suportahan at panoorin ng mga Pinoy ang gawang lokal.

“I have nothing against South Korea’s successes in the entertainment field and admittedly, we have much to learn from them. Pero huwag naman nating kalimutan at balewalain ang trabaho, ang mga pinaghirapan at angking likha ng ating mga kapwa Pilipino,” pagdidiin niya.

“I wish that the zealousness of our kababayans in patronizing foreign artists can be replicated to support our homegrown talents who I strongly believe are likewise world-class,” dagdag pa.

Matatandaang naging usap-usapan ang sinabi ni Estrada kahapon kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed 2023 budget ng Film Development Council of the Philippines, na minsan ay naiisip niyang i-ban ang K-drama at iba pang pelikulang dayuhan sa bansa.

“Ang aking obserbasyon pagpatuloy tayo nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan ay itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita yung ating mga artistang Pilipino,” pagbabalik-tanaw sa sinabi ng Senador.

“Kaya minsan pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners at dapat ang mga artista nating Pilipino talagang may angking galing sa pag-arte ay ‘yun naman dapat ang ipalabas natin sa sariling bansa natin,” dagdag pa.

Bilang pagtatapos, dapat tandaan ng Filipino na ang tagumpay ng industriya ay nakaugnay sa pagmamahal din sa sariling bansa.

“South Korea’s phenomenal success is rooted in their love of country. It is high time that we follow their example and do the same for our own entertainment industry that is at best, barely surviving.” RNT/JGC