Estudyante grinipuhan ng kapwa estudyante

Estudyante grinipuhan ng kapwa estudyante

October 7, 2022 @ 7:23 AM 2 months ago


ILOCOS SUR- Sugatan ang isang Grade 9 student matapos na pagsasaksakin ng nakaalitan na Grade 10 student sa bayan ng Narvacan ng lalawigang ito.

Ang biktima at ang suspek ay parehong 15-anyos, parehong residente ng naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi na ang suspek ngunit sinundan siya ng biktima.

Nang makalapit ang biktima, bigla na lang umano nitong sinuntok sa ulo ang suspek at dito na nag-away ang dalawa hanggang sa nagpambuno sila sa lupa.

Naglabas umano ng folded knife o balisong ang suspek at sinaksak ng apat na beses ang biktima saka ito nagtangkang tumakas ngunit napigilan ng mga naroroong bystanders.

Agad naman naisugod sa ospital ang biktima.

Narekober ng mga otoridad ang folded knife o balisong na ginamit ng suspek na may habang pitong pulgada kasama ang handle.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang ugat ng away ng dalawang estudyante. Rolando S. Gamoso