Estudyante, nahulog sa 5th floor… kritikal

Estudyante, nahulog sa 5th floor… kritikal

July 24, 2018 @ 3:34 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kasalukuyang lumalabanĀ  sa kamatayan ang isang 20-anyos na estudyante ng sa isang kolehiyo sa Intramuros matapos umanong mahulog sa gusali Martes ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng MPD-Public Information Office, dakong alas-12:30 ng maganap ang insidente sa San Juan de Letran College sa kahabaan ng Beaterio pagitan ng Legazpi at Muralla St., Intramuros, Maynila.

Sa kasalukuyan ay patuloy na nilalapatan ng lunas ang biktimaĀ  na umanoy ‘concious’ pa sa kabila ng tinamo nitong pinsala sa ulo.

Ginagamot ito sa Seaman’s Hospital dahil sa pinsala sa ulo at katawan. Batay sa report mula sa MPD-Ermita Police Station 5, nahulog ang biktima mula sa rooftop ng isang limang palapag ng gusali ng naturang paaralan, na matatagpuan sa Beaterio Street sa Intramuros.

Bago tuluyang bumagsak sa kongkretong semento ang biktima ay lumagapak muna ito sa isang nakaparadang kotseĀ Ā kaya tumunog ang alarma ng sasakyan.

Agad namang inalam ng guwardiya ng naturang paaralan ang pangyayari at dito nila nakita ang biktima na namimilipit sa sakit kaya tumawag ng tulong at isinugodĀ  ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas. Nilinaw din ng pulisya naĀ  nahulog ang biktima at hindi ito tumalon.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)