Estudyante, ni-live video sa kubeta ng titser at mga kaklase

Estudyante, ni-live video sa kubeta ng titser at mga kaklase

October 10, 2018 @ 3:11 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pormal nang naghain ng reklamo ang isang 11-anyos na biktima sa Manila Police District-General Assignment Investigation Section laban sa lima nitong kaklase kasama ang kanilang teacher na umano’y  nag-video nang live  sa FB , habang nasa palikuran ng kanilang eskwelahan sa  lungsod ng  Maynila.

Dahil mga menor de edad ang limang suspek, itinago sa pangalan na “Ester“, “Cecilia” at “Lorna “ nasa edad 11; “Beng”12-anyos; at “Melody” 13-anyos kasamaang kanilang guro na kinilalang si Mr. Tagadan.

Ayon sa ulat, inobliga umano ni Mr. Tagadan ang biktima na bumili muna ng panindang mineral water, na pag-aari nito bago payagang magpunta sa CR ang biktima.

Paglapit umano nito sa kanyang titser para kumuha ng mineral water ay binugahan pa siya ng usok ng sigarilyo sa mukha.

Pagkaabot ng mineral water ay nagmamadali na aniya siyang nagtungo sa CR kung saan habang siya ay dumudumi ay kinunan siya ng video ng 5 suspek na live sa kanilang Facebook.

Ang insidente ay  napanood sa FB ng mga kapitbahay ng biktima na nagparating ng pangyayari sa mga magulang ni Melanie.

Dahil sa pawang mga menor de edad, matapos matimbog isa-isang pinalaya na rin sila ng  DSWD, pero itinuloy pa rin ang kaso. (Rene Criostomo)