Estudyante sugatan sa bangga ng motorsiklo

Estudyante sugatan sa bangga ng motorsiklo

November 28, 2021 @ 11:45 AM 2 months ago


ILOCOS SUR- Sugatan ang isang 19-anyos na babae matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid  sa national highway sa Brgy. Maynganay Norte, Sta. Maria ng lalawigang ito kahapon.

Nakilala ang pedestrian na si Jennifer Cruz y Oribello, dalaga, estudyante, residente ng naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang kulay pulang Suzuki 150 motorcycle na minamaneho ni Kevin Paul Dauz y Villaruz, 27, binata, residente ng Brgy. Rancho, Santa, Ilocos Sur  ay papuntang timog na direksyon.

Pagsapit nito sa lugar, biglang tumawid si Cruz galing silangan papuntang kanluran.

Sunod-sunod umano itong binusinahan ng driver at mabilis din niyang inapakan ang preno pero nahagip pa rin ang naturang pedestrian.

Dahil dito, natumba sa kalsada ang pedestrian at pati na rin ang motorsiklo.

Sugatan din sa naturang aksidente ang driver ng motorsiklo.

Ang dalawa ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, Ilocos Sur. Rolando S. Gamoso