Estudyante timbog sa P60K marijuana

Estudyante timbog sa P60K marijuana

April 12, 2022 @ 1:58 PM 3 months ago


CAGAYAN-Imbes sa pag-aaral ang aatupagin ay sa kulungan bumagsak ang isang estudyante matapos na mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng kapulisan sa Barangay Zitanga, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ni PMaj. Marlou del Castillo, hepe ng Ballesteros Police Station ang suspek na si Justin Rebuelto, 19-anyos, college student, at residente ng Quirino, Luna, Apayao.

Nabentahan ng suspek ang isang operatiba ng pinatuyong dahon ng marijuana kung saan ay agad na dinakma ng maaktuhan.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang tubular na nabalot ng plastik na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, folded yellow paper na kargang marijuana, buy bust money at cellphone na ginagamit nito sa kanyang modus operandi.

Umaabot sa 300 grams na nagkakahalaga ng Php. 60,000 ang nasabing illegal na droga.

Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing estudyante na suspek. Rey Velasco