Estudyanteng minor, arestado sa panghahalay

Estudyanteng minor, arestado sa panghahalay

July 4, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang menor-de-edad ang inaresto ng mga operatiba ng kapulisan makaraang ireklamo ito diumano sa kasong panghahalay, sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-12:20 ng madaling araw nang masakote ang suspek na menor matapos ikasa ng pinagsanib na pwersa ng Cabio PS at 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) 4th Maneuver Platoon, Cabiao Base sa pangunguna ni P/Major Gerald Fernandez, OIC ng Cabiao police station, sa isinagawang manhunt charlie operation sa Barangay San Fernando Norte, Cabiao, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya ay tuluyan ng naaresto ang suspek makaraang ihain dito ang
warrant of arrest na inisyu ng korte sa Regional Trial Court (RTC), Branch 36, Gapan City, Nueva Ecija noong Mayo 19, 2022 para sa diumano’y reklamong panggagahasa (RPC Article 266-A) na may criminal case number 26307-22 at walang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang naturang warrant ay natanggap umano ng nabanggit na istasyon ng pulisya noong Hunyo 8, 2022.

Pansamantala ang suspek na menor ay nasa kustodiya ng Cabiao police station. Elsa Navallo