Manila, Philippines – Nag-uwi ng karangalan ang isang bata mula sa Marawi City matapos itong manalo sa international math competition sa Hong Kong.
Isa si Mohammad Nur Casib, mula sa My Precious Child Learning Center sa Marawi City, sa mga batang lumikas sa nasabing lugar nang umatake ang mga teroristang Maute noong nakaraang taon.
Kabilang si Casib sa eight-man Philippine delegation para sa 21st Po Leung Kuk Primary Mathematics World Contest na isinagawa noong July 16 to 20 kung saan nasungkit niya ang silver at dalawang bronze medal sa individual contest at dalawang merit awards sa team contest.
Sina Casib at Tracy Lauren Lei ng Saint Jude Catholic School, parehong grade 5 students, ay nanalo ng bronze medal habang ang grade 4 student naman na si Jerome Austin Te ng Jubilee Christian Academy ay nanalo ng silver medal, ayon sa Mathematics Trainers Guild.
Ito ang unang international na kompetisyong sinalihan ng 12-anyos na si Casib.
Si Casib at ang kaniyang pamilya ay lumipad papuntang Cagayan de Oro noong May 24, 2017, isang araw matapos sumiklab ang terorismo sa marawi. Tiniis nila ang 13-oras na biyahe na walang pagkain at tubig na maiinom.
“It was such a traumatic experience to him that he always cried everytime Marawi is mentioned. Mathematically speaking, according to him, it was beyond limit,” sabi pa ni Casib.
Hindi naman hinayaan ng batang math genius ang mga pangyayari para maipakita ang kaniyang galing at patunayan sa buong mundo ang kaniyang natatanging kakayahan.
Samantala, sa Team contest, nanalo ng merit award ang Philippines Team A na kinabibilangan nina Ervin Joshua Bautista (Southville International School), Maria Bernadette Landicho (Stonyhurst Southville International School-Batangas), Lei at Te.
Nanalo rin ng merit ang award ang Philippines Team B composed of Neo Angelo Gatlabayan (British School Manila), Adrian Guanson Soriaga (Saint Jude Catholic School), Michael Gerard Tongson (Stonyhurst Southville International School-Malarayat) at Casib. (Remate News Team)