Estudyanteng nadisgrasya huli sa P4.3M marijuana

Estudyanteng nadisgrasya huli sa P4.3M marijuana

January 13, 2021 @ 10:17 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

KALINGA, Philippines – Imbes na sa ospital sa kulungan ang tuloy ng isang estudyante matapos na maaksidente nang mahulihan ng 35 bloke ng marijuana na nagkakahalaga ng P4.3 milyon.

Sumimpleng ang motor ng suspek na kinilalang Jayvee Saguilod, 19-anyos sa Brgy. Bagumbayan, Tabuk City, ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, ang Provincial Director ng Kalinga Polive Provincial Office.

Habang nirerespondehan ng pulisya ang suspek na nadisgrasya ay napansin dito ang bulto ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 36.6 kilograms.

Naniniwala si Limmong na galing ng Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga ang nasabing marijuana kung saan residente ang estudyante.

Nahaharap ang estudyante sa kasong may kinalaman sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot o R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco


  •  
  •  
  •  

Loading...