Estudyanteng nagyabang ng granada sa inuman, tiklo

Estudyanteng nagyabang ng granada sa inuman, tiklo

May 5, 2022 @ 1:46 PM 2 months ago


ISABELA – Kulong ang isang estudyante matapos na ireklamo ng kanyang kainuman na naglabas ng granada sa Brgy. Marana 1st, City of Ilagan.

Inaresto ng mga operatiba ni PLt. Col. Benjamin Balais, hepe ng Ilagan City Police Station ang suspek na si Jomel Ramos, 20-anyos, residente ng Brgy. Tangcul.

Nakatanggap ang kapulisan na may isang lalaki umano na may granada at inilapag ito sa mesa kung saan sila nag-iinuman.

Nasamsam sa pag-iingat ni Ramos ang isang hand grenade at bag pack na naglalaman ng kutsilyo.

Nahaharap sa patung-patong na kasong paglabag sa RA 9516 o Illegal Possession of Ammunition and Explosives; paglabag sa Batas Pambansa Numero 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon; at Comelec Rrsolution no. 10728 Sec. 3 ang naturang estudyante. Rey Velasco