Estudyanteng no. 2 most wanted sa Malabon, inaresto sa iskul

Estudyanteng no. 2 most wanted sa Malabon, inaresto sa iskul

July 31, 2018 @ 3:18 PM 5 years ago


 

Malabon – Isang 19 anyos na estudyante na tinaguriang No. 2 most wanted person ang naaresto ng mga awtoridad sa loob ng kanilang paaralan kahapon ng hapon Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief Sr. Supt. Harry Espela ang naarestong suspek na si Jimboy Nobleza, 19, Senior High School student.

Ayon kay Sr. Supt. Espela, pasado alas 4:00 nghapon nang arestuhin ng mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) sa isang eskwelahan sa Malabon si Nobleza sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.

Base sa record ng korte, kinasuhan si Nobleza ng mga magulang ng kanyang kaeskwela dahil sa naganap na rambol noong 2016 at pagkatapos ay nagtago ito sa probinsya nang halos dalawang taon. (Roger Panizal)