Estudyanteng tulak, laglag

Estudyanteng tulak, laglag

August 9, 2018 @ 4:07 PM 4 years ago


 

Marikina City – Arestado ang isang 20 anyos na estudyante sa isinagawang drug buy bust operation makaraang positibong mabilihan ito ng pulis na nagpanggap na buyer high grade marijuana kahapon ng hapon sa Marikina City.

Sa ulat na ipinarating ni SDEU chief  Insp. Greeco Gonzales kay Marikina City PNP Chief, Sr. Supt. Roger L. Quesada nakilala ang naarestong estudyanteng tulak na si Mark Joseph Regasi. 20 anyos. binata residente Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rex Ging-awan, dakong 5:57 ng hapon sa makaraang kumagat sa bitag ang suspek sa isinagawang buy bust operation ay agad itong inaresto kung saan hindi na nakuha pang makatakas ang estudyante dahil napalibutan na ito ng mga pulis.

Matapos ang buy bust operation ng operatiba sa panulukan ng Paraluman St., Brgy. Parang, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang 3 plastic zip lock na naglalaman umano ng pinatuyong dahon ng marijuana (kush), tube pipe na gamit pang hithit, at buy bust money na P1000 bill. Cesar Barquilla