Ethel Booba, namigay ng 10k!

Ethel Booba, namigay ng 10k!

September 13, 2022 @ 10:13 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Gimikera talaga si Ethel Booba but in a nice, different way.

Very recently ay napagtripan niyang mag-disguise to execute her social experiment.

May suot na face mask at naka-peluka, tinungo ng komedyana ang isang pawnshop cum remittance center.

Nilapitan niya ang mga tao sa loob niyon para manghingi ng pamasahe pauwi ng kanyang bahay on the pretext that she left her wallet at home.

Convincing naman ang drama ni Ethel dahil may mga nag-abot ng barya sa kanya.

Maya-maya’y hinubad na niya ang kanyang face mask at wig to reveal herself.

And guess what? Sinuklian ni Ethel ang kagandahang loob ng mga nag-abot sa kanya ng pera.

Binigyan niya ang mga ito ng P10k each!

Siyempre, naglulukso sa tuwa ang mga naabutan ng sobrang higit sa ibinigay nilang barya.

Marami naman ang nagsasabi na paying forward lang ang kawanggawa ni Ethel.

Kung matatandaan, naisulat namin dito sa Remate Online ang ginawang “pambubudol” ni Ethel kay Vice Ganda.

Wala kasing kawala si Vice Ganda sa panghaharbat ni Ethel na ipag-shopping ng mga damit at laruan ang anak niya na inaanak ng TV host.

More than P300k lang naman ang binayaran ni Vice Ganda gamit ang kanyang credit card sa one-stop shopping na ‘yon. Ronnie Carrasco III