‘Eto Na! Musikal nAPO,’ aarangkada na

‘Eto Na! Musikal nAPO,’ aarangkada na

June 30, 2018 @ 4:12 PM 4 years ago


Eto na! Eto na talaga ang musical play ng Apo songs.

Pinamagatang “Eto Na! Musikal nAPO!”, sisimulan itong ipalabas sa August 3 hanggang 26 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City.

Nagsimula ito noong 2013 sa biro lang ni Apo Hiking member na si Boboy Garrovillo sa kanyang schoolmate at theater director na si Robbie Guevara hanggang sa binuo niya ito at isinulat gamit ang mga kanta ng Apo.

Dumaan pa sa 20 revisions ang nasabing script kasama ang Apo members at tuluyan na nila itong nabuo.

Iikot ang kwento noong panahon ng martial law habang ang dating pitong miyembro ng Apo ay sasali sa isang singing contest.

Bibida sa pitong lead charaters sina Mark Bautista bilang si Rick, Jobim Javier (son of Danny) bilang Butch, Alfritz Blanche bilang Sonny, Jep Go bilang Ray, Jef Flores bilang Jaime, Jon Abella bilang si Donnie at si Vyen Villanueva na gaganap bilang si Bobby.

Tampok naman sa nasabing musical ang 26 na kanta ng Apo kabilang ang “Pumapatak ang Ulan,” “Paano,” “Di Na Natuto”, “Nakayakap sa Dilim,” “Tuyo Na ang Damdamin,” “Blue Jeans,” “Show Me a Smile,” “When I Met You,” “Lumang Tugtugin” at “Ewan.” (Remate News Team)