EU lawmakers, bibisita sa Pinas

EU lawmakers, bibisita sa Pinas

February 21, 2023 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – INAASAHANG bibisita ngayong linggo sa Pilipinas ang mga European lawmakers para sa dayalogo kasama ang mga opisyal ng gobyerno.

Ito’y matapos na tanggapin ng pamahalaan ang request ng European Parliament Subcommittee on Human Rights na magpadala ng anim na miyembro nito sa Pilipinas mula Pebrero 22 hanggang 24, 2023, nangangahulugan na ā€œexpanding dialogue and cooperationā€ sa pagitan ng bansa at European Union (EU).

“The European delegation will meet with lawmakers to exchange views on best practices and legislation, as well as to engage in discussions with executive agencies,” ayon sa Department of Foreign Afffairs (DFA).

Inaasahan din na magko-courtesy call ang mga ito kina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Trade Secretary Alfredo Pascual.

ā€œThe visit of (European lawmakers) is taking place in the context of the open and regular engagement between the Philippines and the EU on human rights, and the shared aim to further constructive dialogue and cooperation on human rights, including in the framework of the EU GO-JUST Program which supports and complements national reforms in the justice sector,ā€ ayon pa rin sa DFA.

Nauna rito, nasa bansa si forensic expert at United Nations (UN) special rapporteur na si Morris Tidball-Binz simula Pebrero 7 hanggang 9, bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ni Remulla.

Inimbitahan siya bilang forensic expert oara tumulong sa ā€œcapacity-buildingā€ efforts ng Department of Justice (DOJ).

Bukod sa pakikipagpulong sa DOJ officials, nakipagkita rin si Tidball-Binz sa local experts at human rights defenders.

Nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas ngayong taon para sanayin ang mga Pilipinong doktor at mga prosecutor kung paano ang tamang wastong imbestigasyon sa kahina-hinalang pagkamatay.

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bloody drug war, sabay sabing ito ay ā€œthreat to our sovereignty.ā€

Sinabi ni Pangulong Marcos na ā€œthere are many questions about their jurisdictionā€ sa Pilipinas para simulan ang imbestigasyon.

ā€œI do not see what their jurisdiction is. I feel that we have in our police, in our judiciary, a good system. We do not need assistance from any outside entity, the Philippines is a sovereign nation and we are not colonies anymore of this former imperialist,ā€ ayon sa Chief Executive.

ā€œThat is not something that we consider to be a legitimate judgment,ā€ dagdag na wika nito sabay sabing ā€œSo until those questions of jurisdiction and the effects of the sovereignty of the Republic are sufficiently answered, I cannot cooperate with them.ā€ Kris Jose