EU, nagbigay ng solar power sa 30K kabahayan sa M’danao

EU, nagbigay ng solar power sa 30K kabahayan sa M’danao

September 6, 2022 @ 12:09 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumulong ang European Union (EU) para magkaroon ng solar home system (SHM) ang nasa 30,500 pang kabahayan sa Mindanao.

Karagdagan ito sa 10,000 kabahayan na nalagyan na simula ng ikasa ang programa noong 2019.

Sa isang kalatas, sinabi ng EU na ang SHS units ay pormal na tinurn-over sa isang seremonya na pinangunahan ng EU, World Bank, at National Power Corporation (Napocor) sa mga beneficiary households ng limang electric cooperatives sa Bukidnon, Sultan Kudarat, Davao del Sur, Cotabato, at South Cotabato.

Ang proyekto, naisakatuparan sa pamamagitan ng grant na nagkakahalaga ng P1.06 bilyong piso, bahagi ng 3.83 billion Access to Sustainable Energy Programme (ASEP) ng EU.

Ang bawat SHS package ay kinabibilangan ng 50-watt peak solar panel, isang charge controller na may lithium-ion batteries na kayang suplayan ng kuryente ang LED bulbs, isang radio, isang torchlight, at USB ports para sa charging ng mobile devices.

Bilang implementation agency ng ASEP, responsable ang Napocor para sa bultong “procurement, delivery, at installation” ng 30,500 SHS units sa mga pamilya sa loob ng franchise areas ng Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. (BUSECO), Sultan Kudarat Electric Cooperative Inc. (Sukelco), Davao del Sur Electric Cooperative Inc. (Dasureco), South Cotabato II Electric Cooperative Inc. (Socoteco II), at Cotabato Electric Cooperative Inc. (Cotelco).

Ang SHS units ay bahagi ng sistema ng electric cooperatives pagdating sa “connection, billing, collection, operation, and maintenance.”

“With the formal turnover of the SHS equipment, the beneficiary households now become member-consumer-owner of the electric cooperatives and will have the same rights and obligations as those connected in the electric cooperatives’ distribution system,” anito.

Pinasalamatan naman ni Napocor officer-in-charge Melchor Ridulme ang World Bank at EU para sa pagsuporta sa implementasyon at binigyang kredito ang proyekto bilang inspirasyon para sa gobyerno ng Pilipinas para mamahagi ng SHS units sa mga small power utility groups gamit ang pondo ng gobyerno.

“The project has been successful in many ways – we have provided sustainable, safe, and clean energy in isolated households in these areas and have increased photovoltaic technology talents through professional training to our electric cooperatives,” ayon kay Ridulme.

Sinabi naman ni Christoph Wagner, pinuno ng Cooperation of the EU Delegation to the Philippines na ang EU ay “committed” para suportahan ang “thrust to promote renewable energy and improve energy access’ ng Pilipinas.

“We are proud to have financed this action that reached vulnerable and isolated communities directly, providing a sustainable solution to a basic need such as access to electricity,” ayon kay Wagner. Kris Jose