EUA ng Molnupiravir nirerebyu pa ng FDA- DOH

EUA ng Molnupiravir nirerebyu pa ng FDA- DOH

December 6, 2021 @ 5:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinusuri pa ng Food and Drug Administration ang mga dokumento para sa emergency use authorization ng experimental anti-viral pill Molnupiravir, ayon sa Department of Health nitong Lunes.

“Sa ngayon po ang molnupiravir, pinagaaralan pa lang ng FDA ang kanilang submitted documents para magkaroon sila ng EUA dito sa ating bansa,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.

Base kay Vergeire, 89 mga ospital sa bansa ang gumagamit ng Molnupiravir sa ilalim ng isang compassionate special permit.

“While doing that, they have applied for a compassionate special permit. So meron na po tayo ngayon 89 hospitals using molnupiravir, including QualiMed hospitals and five pharmaceutical companies,” pahayag ni Vergeire.

Sinabi naman ng isang clinical investigator mula sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City na posibleng aktibo ang Molnupiravir laban sa Omicron variant, ang bagong variant of concern.

Lumalabas sa mga pag-aaral na nakababawas ang Molnupiravir ng halos kalahati ng tiyansa ng malalang sintomas ng virus, maging ang pagkakahawa ng isang exposed individual.

Nang tanungin kung bibili rin ang pamahalaan ng antiviral COVID-19 pill ng Pfizer na Paxlovid, sinaboi ni Vergeire na kailangan muna umano nitong maghain ng EUA sa bansa.

“So inaantay lang din po natin ‘yan because as we always say, kahit walang CPR, as long as they apply and ma-evaluate, it can be cleared by the FDA, a compassionate special permit can be given,” aniya.

“But we need to wait for applicants bago tayo makagamit nitong gamot na ito,” patuloy pa ni Vergeire. RNT/SA