EUA ng Sinovac ‘half-baked’ – solon

EUA ng Sinovac ‘half-baked’ – solon

February 23, 2021 @ 5:11 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Duda sa pagiging epektibo ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ng Sinovac ang isang mambabatas matapos hindi irekomenda sa mga health frontliner.

“This development only indicated that the EUA issued to Sinovac was half-baked,” pahayag ni House Minority Leader and Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano.

“It’s very complicated because according to FDA director general Eric Domingo, the vaccine is 91% effective in Turkey, 65.3% in Indonesia but it registered only 50.4% efficacy among medical frontliners in Brazil,” dagdag ng mambabatas.

Giit pa ni Paduano na pinahina ng Food and Drug Administration ang tiwala at kumpiyansa ng publiko matapos pagkalooban ng emergency use authority ang Sinovac.

“Mas mabuti na po ito [na may Sinovac na bakuna] kesa wala, pero ang rekomendasyon po ng ating mga experts ay hindi ito ang pinakamagandang bakuna para sa kanila,” depensa ni Domingo. RNT/ELM


  •  
  •  
  •