Probinsya, 20 bayan sa Region 2 apektado ng ASF

February 26, 2021 @11:50 AM
Views:
6
CAGAYAN VALLEY, Philippines – Umabot sa dalawampUng bayan at isang lalawigan sa buong Region 2 ang nananatiling African Swine Fever-free.
Base sa datos ng Department of Agriculture o DA Region 2, kinabibilangan ito ng mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Camalaniugan, Sta. Teresita, Lasam, Rizal, Gattaran, Peñablanca at Calayan sa Cagayan.
Dito sa Isabela, kabilang na ASF-free ang mga bayan ng Divilacan, Maconacon, Dinapigue at Palanan habang sa Nueva Vizcaya ay ang mga bayan ng Bambang, Dupax del Sur at Alfonso Castañeda.
Samantala, nananatili pa rin sa ASF-Free ang lalawigan ng Batanes. Rey Velasco
Proyektong nasimulan ni Digong, dapat ituloy ni Sara; Isko sa Maynila muna – muslim group

February 26, 2021 @11:39 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Dapat umanong maipagpatuloy ang naumpisahang mga proyekto at progarama ng gobyerno ng susunod na uupong Presidente ng Pilipinas.
Kaya naman, nais grupo ng World Philosopher forum Chairman Shariff Ibrahim na kailangan ipagpatuloy ni Mayor Inday Sara Duterte ang sinimulan ng kanyang tatay na si Pangulong Rodrigo Duterte upang maipagpatuloy nito ang Legacy.
Paliwanag ni Ibrahim, hindi maaring mag-tandem ang magkalaban dahil lagi magkasalungat ng mga ipinaglalaban kaya hindi umuusad ang bansa.
Ayon pa kay Ibrahim, kaya aniya naghahati-hati ang mga Filipino, muslim at buong sambayan dahil sa hindi pagkakasundo ng mga namumuno kaya dapat si Inday Sara ang sumunod na maging Pangulo ng Pilipinas
Sakali naman aniyang tatanggi hanggang sa last minute ng paghahain ng kandidatura si Inday Sara ay hahanap sila ng maaring maging ulo na magpapatuloy ng nasimulan ni Du30.
Maari naman aniyang maging Vice Presidente si BongBong Marcos ngunit hanggang ngayon aniya ay hindi naman nagpaparamdam upang siya ay matulongan ng grupo.
Sa ngayon naka-focus ngayon ang grupo sa pagtutulak kay Inday Sara sa pagka-presidente.
Umikot na rin sila sa buong Mindanao kung saan 95 porsyento ng mga muslim liders ang kanilang kinunsulta at Duterte pa rin ang kanilang gustong magpatuloy sa sinimulan ng kasalukuyang nakaupo.
Ayon pa kay Ibrahim, walang sistema sa bansa dahil sa paiba-ibang presidente na hindi naman naipapagpatuloy ang mga nasimulan na adbokasiya dahil aniya napapag-iwanan na ang Pilipinas.
Handa naman aniya ang grupo na ipagtanggol ang Pangulo sa mga batikos para lamang maipagpatuloy ang kanilang nasimulan.
SAMANTALA, naniniwala rin ang grupo ng mga Muslim na kailangan munang ipagpatuloy ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno” Domagoso ang nasimulan nitong pagbabago sa Maynila bago sumabak sa Presidency.
Giit ni Chairman Ibrahim sa nasabi ring forum na pre-mature pa para maging Presidente ng Pilipinas si Isko.
“In fairness kay Mayor Isko napakaganda ng sinimulan niya sana ipagpatuloy pa muna… premature pa.. 3 years still young, tapusin niya para maipakita at maghanda siya for 2028” ayon pa kay Ibrahim.
Inihalimbawa rin ni Ibrahim si dating Pangulong Ferdinand Marcos na ilang dekada nanungkulan sa gobyerno bago ito naging Pangulo ng Pilipinas kung saan nagawa nitong maging number 2 ang bansa pagdating sa ekonomiya.
Si Domagoso ay itinutulak din na tumakbong presidente ng netizens na sumusuporta sa kanya dahil sa magandang nagawa nito sa Maynila.
Ilang mga campaign materials na rin ang lumabas sa social media tulad ng tandem nila ni Senator Ping Lacson.
Ngunit sa kanyang pananaw, sinabi ng alkalde na marami pang problema sa Maynila na kailangang ayusin kaya ang pagtakbo bilang Pangulo ay wala pa sa kanyang isipan.
Lahat naman aniya ay may pangarap na tumaas ang posisyon ngunit darating din ang tamang panahon para diyan dahil sa ngayon nakatutok ito sa kapakanan ng Manilenyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P41.9-M quarantine facility sa Bataan natapos na – DPWH

February 26, 2021 @11:27 AM
Views:
24
MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na ang P41.9-M quarantine facility sa Barangay Alasasin Mariveles, Bataan.
“We have officially turned over to the local government of Mariveles a total of three (3) units of health facilities with individual quarters, comfort rooms, separate quarters for health personnels, and nurses’ station to aid in the LGU’s intensified efforts,” ayon kay DPWH Secretray Mark Villar.
Kasama sa proyekto ang pag-convert ng 20-feet container vans sa 16-units ng air-conditioned emergency health facility na may persons with disability (PWD) friendly ramps, portable generator sets, single-phase electrical power distribution system, at electrical room.
Maari ding magamit ang pasilidad kapag natapos na ang pandemya bilang pangunahing mga lugar ng paglikas sa panahon ng mga kalamidad at iba pang mga health-related emergencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden
15 mangingisda na 6 araw nagpalutang-lutang sa dagat, nasagip – PCG

February 26, 2021 @11:16 AM
Views:
22
MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 15 mangingisda sa Mindanao na nagpalutang-lutang sa karagatan ng anim na araw.
Ayon sa ulat nitong Biyernes na lumubog ang bangka ng mga mangingisda matapos na pasukin ng tubig sa kalagitnaan ng pananalasa ni Auring sa northern Mindanao.
Ayon sa PCG, na maswerteng walang malalang sugat ang mga mangingisda na dinala agad sa General Santos City. RNT
113 pagyanig naitala sa Taal sa 24 oras

February 26, 2021 @11:04 AM
Views:
15