EUA sa bivalent vax ng Moderna, Pfizer inilabas na ng FDA – DOH

EUA sa bivalent vax ng Moderna, Pfizer inilabas na ng FDA – DOH

December 27, 2022 @ 6:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naglabas na ng emergency use authorization (EUA) ang Food and Drug Administration para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, inilabas ang EUA para sa bivalent vaccine ng Moderna at Pfizer noong nakaraang linggo.

Ayon pa kay Vergeire, ang Health Technology Assessment Council (HTAC), na nagpapayo sa DOH tungkol sa mga bakuna sa COVID-19, ay nagbigay na rin ng approval.

Nauna nang sinabi ng DOH na layon nito na magkaroon ng bivalent vaccines sa unang kwarter ng 2023.

Sa kanyang naging pahayag, sinabi na nakipag-ugnayan ang DOH sa mga suppliers para sa second-generation COVID-19 vaccines o bivalent vaccines, na poprotekta sa mga indibidwal mula sa Omicron variant. Jocelyn Tabangcura-Domenden