Eula, magbabalik-TV, kinasasabikan!

Eula, magbabalik-TV, kinasasabikan!

July 29, 2022 @ 4:18 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Eula Valdes is back!

Matagal-tagal din since Eula last appeared in a teleserye, but now she returns in GMA’s afternoon prime block.

Eula is cast in Return to Paradise to lend support to the budding loveteam of Derrick Monasterio and Elle Villanueva.

Batay sa teaser, may pag-iibigang uusbong sa pagitan nina Red (Derrick) at Eden (Eden) who gets stranded on an island.

May pasilip na mga maiinit na tagpo sa nasabing tambalan in this must-watch family drama.

Inaabangan kung anong mahalagang papel ang gagampanan ni Eula.

Clueless ang mga viewers dahil hindi siya ipinakita sa trailer kundi si Teresa Loyzaga.

Naiintriga tuloy ang mga manonood sa tiyak na markadong role ni Eula who’s been out of circulation in a long time.

Ngayong Kapuso na rin daw si Eula, umaasa ang mga netizen na magkaroon ng TV project sina Eula at Jean Garcia together.

Sariwa pa sa alaala ng mga mahihilig sa soap opera ang pagsasama ng dalawang premyadong aktres na madalas gumanap bilang kontrabida.

Ang Return to Paradise which is expected to heat up your afternoon starts airing on August 1 sa ganap na 3:25 ng hapon.

Looking forward ang mga viewers sa pagpapakita ni Derrick ng kanyang abs. Ronnie Carrasco III