Eumir Marcial tagilid sa matangkad na si US boxer Pichardo

Eumir Marcial tagilid sa matangkad na si US boxer Pichardo

October 4, 2022 @ 1:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinaghahandaang mabuti ni Olympic medalist Eumir Felix Marcial ang kanilang susunod na laban kontra sa matangkad na  American boxer na si Steven Pichardo.

Gaganapin ang six-round middleweight fight sa Carson, California sa Oktubre 9.

Sinimulan na nito ang kanilang training camp noong nakaraang buwan sa Las Vegas, ayon sa ulat.

Ilan sa mga naging sparring partner nito ay ang  kapwa Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas.

Mayroong malinis na record ang Filipino middleweight boxer na may dalawang panalo at walang talo na mayroong isang knockout habang ang 6 foot-1 boxer ay mayroong walong panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong dalawang knockouts.

Ang Marcial-Pichardo four rounder ay nasa undercard ng Ancajas-Fernando Martinez rematch para sa IBF super-flyweight championship. Nawala ni Ancajas ang kanyang title belt sa Argentine sa pamamagitan ng 12-round decision noong Pebrero.

Huling lumaban ang 26-anyos na si Marcial, bronze medalist sa Tokyo Olympics, noong Abril nang manalo siya sa pamamagitan ng fourth-round TKO laban kay Isiah Hart ngunit hindi matapos makaligtas sa tatlong knockdown sa unang dalawang round ng kanilang laban sa Virgins Hotel sa Las Vegas .

Habang ang taga-California ay galing sa pagkatalo via unanimous decision laban kay Shady Gamhour sa parehong April fight card kung saan lumaban si Marcial sa Las Vegas.JC