Eumir Marcial wagi kontra Pichardo

Eumir Marcial wagi kontra Pichardo

October 9, 2022 @ 12:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalusutan ni Eumir Marcial ang natamong malalim na sugat sa kanang mata upang talunin ang 6-foot-1 na kalaban na si Steven Pichardo sa pamamagitan ng unanimous decision ngayon Linggo  para manatiling walang talo bilang pro.

Nagkaroon ng cut sa gilid ng kanang mata ang 26-anyos na Olympic bronze medalist dahil sa aksidenteng pagkaka-headbutt sa ikalawang round ng kanilang sixth-round middleweight fight sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Sa kabila ng distraction na nag-iwan kay Marcial ng madugong sugat, ang Filipino ay talagang palaban kontra sa 26-anyos na taga-California para makuha ang unanimous decision.

Pumabor ang mga huradong sina James Green, Ivan Guillermo, at Ellis Johnson kay Marcial, 60-54.

Kinailangang tingnan ng referee na si Gerard White ang cut ng ilang beses bago pinayagang magpatuloy ang laban.

Sa kanyang nakaraang laban noong Abril, tatlong beses na bumangon ang Pinoy mula sa canvass para pigilan si Isiah Hart sa ikaapat na round ng kahalintulad na anim na rounder na ginanap sa Virgin Hotels sa Las Vegas.

Si Pichardo ng Gardena, California ay dumanas ng ikatlong kabiguan para sa 8-3 record (2 KOs).

Kabilang ang Marcial-Pichardo bout sa undercard sa Jerwin Ancajas-Fernando Martinez rematch para sa IBF super-flyweight championship.JC