Euro bond sale target ng pamahalaan – Diokno

Euro bond sale target ng pamahalaan – Diokno

February 3, 2023 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan na maglabas ng euro-denominated bonds batay na rin sa hiling ng mga mamumuhunan, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Biyernes, Pebrero 3.

“When we were in Frankfurt, sabi ng mga taga Germany, bakit hindi Euro naman. So we are considering that. Wala pa naman, but I am sure there will be strong demand especially among the seniors. Marami silang pera,” ani Diokno kasabay ng pagpupulong ng Makati Business Club.

“Hindi lang mga OFW, pero mga Filipino Germans who want to invest in our country, and participate. Kasi mataas ang return na ino-offer namin, tapos tax free pa,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nauna nang inanunsyo ng Bureau of Treasury na mag-aalok sila ng US dollar-denominated retail treasury sa Abril.

Maglalabas din ang bansa ng 5-year retail treasury bond sa Pebrero 7 na layong magkaroon ng kita ng nasa P30 bilyon para bayaran ang kasalukuyang utang.

“I think the rates are kind of coming down because of renewed confidence. Let’s see what the market will bear. We floated, the most recent was the $3 billion, that was well received, many times over ang demand. We expect the same,” sinabi pa ni Diokno.

Idinagdag din niya na sa pinakahuling rate hike ng US Federal Reserve na mas mababa kaysa sa inaasahan, sinabi nito na “good news” ito para sa Pilipinas.

“It is good news as far as we are concerned. Instead of 50 bps, it is 25 bps. Again the BSP is data dependent, we will look at the data, we will look at inflation. We have a strong growth rate, it will be decided upon by the Monetary Board,” pagbabahagi ni Diokno.

Magsasagawa naman ng policy-setting meeting ngayong buwan ang Bangko Sentral ng Pilipinas. RNT/JGC