Europeans inimbitahan mamuhunan sa bansa

Europeans inimbitahan mamuhunan sa bansa

January 27, 2023 @ 8:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong Huwebes, Enero 26 ang mga European investors na mamuhunan sa bansa.

Ito ay dahil nasa tamang landas umano ang Pilipinas tungo sa mas masaganang ekonomiya.

Sa kanyang opening remarks kasabay ng 2023 Philippine Economic Briefing (PEB) sa London, England, sinabi ni Pangandaman na umaarangkada ang economic performance ng bansa sa kabila ng mga pagsubok sa ekonomiya ng mundo.

“The time to invest in the Philippines is now. We have a hardworking administration. We have high economic growth,” ayon sa Kalihim.

“As you can see, the Philippines is now not just open for business, but we mean business. We not only meet but surpass economic targets,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Pangandaman na nakatutok ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pagbuo layunin na isang “inclusive and sustainable” economic transformation.

Nakatutok rin umano ang pamahalaan sa eight-point socioeconomic agenda at Philippine Development Plan 2023-2028 patunay ang P2 trilyon o 38% ng P5.268 trillion national budget sa taong ito na inilaan para sa social services sector.

Nakatutok rin ang pamahalaan sa edukasyon, infrastructure development, health, agriculture at social protection.

“To make the Philippines an investment destination, we need to create an environment that enables economic growth. Hence, we are keen on building not just public and social infrastructure but also digital infrastructure,” ani Pangandaman.

Mahigpit ding tinututukan ni Marcos ang renewable energy infrastructure at alternative resources na makapag-aambag sa sustainable development ng bansa.

“We are on track with our economic prosperity and I am confident that as long as we stay on the path, we will also achieve our target of single-digit poverty levels and upper-middle income class as planned,” pagbabahagi pa ni Pangandaman.

Si Pangandaman, kasama ang iba pang Philippine economic managers, ay lumipad pa-Europa para sa 2023 PEB na naglalayong magprisenta ng economic situation at investment opportunities ng Pilipinas. RNT/JGC