Europeans na nagtampisaw sa Boracay, hindi ‘commercial swimming’ – DENR Usec. Antiporda

Europeans na nagtampisaw sa Boracay, hindi ‘commercial swimming’ – DENR Usec. Antiporda

July 7, 2018 @ 3:38 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang mga European na nakitang nagtatampisaw sa Boracay waters ay bahagi “exchange of culture” sa tribung Ati at hindi iyon “commercial swimming”  na patuloy na ipinagbabawal sa mga turista.

Gayunman, sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na nagsasagawa pa rin sila ng pagsisiyasat sa insidente.

“As far as DENR is concerned, wala po kaming pinapayagan na mag-swimming diyan. Ito po ay pinayagan ng Boracay inter-agency task force security council dahil sila po ay may humanitarian activity with the Ati community. Hindi naman po complete lockdown ang Boracay kaya po wala rin sa authority natin na pigilan silang pumasok,” pahayag ni Antiporda sa isang news forum sa U.P. Diliman.

“We are still conducting our investigation on this and yet, same thing like this will never happen again in the future, we only have four months to go,” dagdag niya.

Iginiit ni Antiporda na ang Ati tribe ang tunay na nagmamay-ari ng isla kung kaya nasa kanilang  diskresyon na payagan ang kanilang mga bisita na maglunoy sa katubigan ng Boracay bilang bahagi ng kanilang humanitarian activity.

“We don’t allow commercial swimming. And this is not commercial swimming, this is part ‘daw’ of the humanitarian activity on the Ati community.”

“It is an exchange of culture between the Europeans and the Ati. That’s their reason so as of the moment rather than finding fault dito sa ating inter-agency task force, we would rather be positive on what is happening because deep inside of it, the development is really fast,” ayon kay Antiporda.

Sabi ni Antiporda, ikinokonsidera ng DENR sa positibong paraan ang pagpo-promote sa isla.

“And taking it in a positive way, ito po’y isang promotion na rin sa atin pong minamahal na islang Boracay dahil dito makikita nila in just few months, talaga namang napakalinis na ng Boracay,” aniya.

Matatandaang lumabas ang isang video ng mga dayuhan na naliligo sa pamosong Boracay na sumasailalim pa sa rehabilitasyon.

Ang mga dayuhan ay bahagi ng Genfest International, isang international youth festival na karaniwang ginagawa sa Europe.

Sinasabing bumisita ang mga delegado sa isang  barangay sa isla upang malaman ang tradisyonal na pamumuhay ng mga Ati ethnic group. (Nats Taboy)

Ipinapaliwanag ni DENR Usec. Benny Antiporda ang nakunang video ng mga dayuhan na naglulunoy sa dagat ng Boracay. Bagama’t hindi “commercial swimming” ang insidente, sinabi niyang nagsisiyasat pa rin ang ahensiya para tuluyan itong mabigyan ng linaw. Kuha ni Jojo Rabulan

REMATE FILE PHOTO | KUHA NI JOJO RABULAN