Evidence-based anti-illegal drug campaign ng PH gov’t dinipensahan ni Abalos

Evidence-based anti-illegal drug campaign ng PH gov’t dinipensahan ni Abalos

December 17, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dumepensa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. nitong Sabado sa illegal drug drive ng pamahalaan sa gitna ng mga kritisismo na mahina ang drug war ng kasalukuyang gobyerno.

Sinabi ni Abalos na nakatutok ang kasalukuyang kampanya laban sa iligal na droga sa proseso at evidence-based procedures.

Ito ay bilang tugon niya sa pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa na masyadong “malambot” sa drug syndicates ang kasalukuyang kampanya kontra iligal na drogana maaaring magresulta sa muling pagsulpot ng ‘ninja cops’ at iba pang illegal drug personalities.

Iginiit ni Abalos na nakumpiska na ng anti-narcotics authorities ang P10 bilyong halaga ng dangerous drugs mula nang maupo ang Marcos administration noong Hulyo.

Inamin din ng DILG chief na nakausap niya si dela Rosaat tiniyak na nananatiling maigting ang kampanya laban sa iligal na droga kagaya ng nakaraang Duterte administration.

Si Dela Rosa ang dating chief Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang‘Oplan Tokhang’ sa ilalim ng Duterte administration.

Binigyang-diin ni Abalos na hindi lamang drug suspects ang tinutugis ng PNP maging mga grupo kabilang ang law enforcers na pumoprotekta sa kanila.

Kinontra rin niya ang mungkahi ni Senator Robin Padilla na i-decriminalize ang possession ng maliit na halaga ng droga, kabilang ang shabu.

“With due respect, it would not help in our campaign. Drug abuse will always start with small amounts. This would not help the youth,” giit ni Abalos. RNT/SA