EWAs sa Halalan 2022 inaayos na ng PNP

EWAs sa Halalan 2022 inaayos na ng PNP

December 14, 2021 @ 5:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine National Police nitong Martes na kasalukuyan nitong vina-validate ang election watchlist of areas (EWA) na magkakaroon ng strategic plan upang masiguro ang kaayusan at seguridad sa Halalan 2022.

Sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na kumakalap na ng impormasyon ang police units upang matukoy ang mga lugar na ito.

“Predict, Plan, Prepare, Practice, Perform Professionally—that is our thrust in fulfilling our duties of securing peaceful elections,” giit niya.

Ayon sa PNP, ang mga sumusunod ang pagbabatayan sa pag-validate ng EWas:

  • “the area is relatively peaceful and with no security concerns;

  • occurrence of suspected election related incident in the last elections;

  • existence of intense partisan political rivalry;

  • possible employment of partisan armed groups;

  • occurrence of politically motivated election related incidents;

  • previously declared under Comelec control; at

  • presence of serious armed threats posed by the threat groups.

Ilalagay ang mga lugar na ito sa ilalim ng apat na color-coded categories: Green para sa Peaceful; Yellow para sa Areas of Concern; Orange para sa Areas of Immediate Concern; at Red para sa Areas of Grave Concern.

Nilinaw naman ng PNP na dapat “construed negatively against any local government unit” ang klasipikasyon.

“It gives us ample opportunity to suppress criminality or to take a proactive approach in maintaining peace in the community,” ani Carlos. RNT/SA