Ex-Army huli sa aktong pagdaliri sa dalagita!

Ex-Army huli sa aktong pagdaliri sa dalagita!

November 12, 2022 @ 4:34 PM 3 weeks ago


ECHAGUE, ISABELA-Huli sa akto ang dating sundalo na dinadaliri o minomolestiya ang isang dalagita sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang suspek ay kinilalang si Delfin Pascua, 76-anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Gucab, Echague, Isabela habang ang biktima ay pansamantalang itinago sa pangalang Nene, 14-anyos na residente ng nasabing bayan.

Ayon kay PMaj. Natividad, nakatanggap sila ng tawag mula sa punong-barangay kung saan naaktuhan umano ng kanyang tanod ang suspek na hinahawakan nito ang pribadong parte ng biktima.

Umiiyak umano ang biktima habang minomolestiya ito ng suspek sa ilalim ng puno ng mangga na nasa kalagitnaan ng maisan.

Agad na inaresto ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya na nahaharap sa kasong Alleged Rape by Sexual Assault in Relation to RA 11648.

Samantala, ipinasakamay naman sa Municipal Social Welfare Development o MSWD ang biktima para isailalim sa medico legal examination sa Municipal Health Office ng Brgy. San Fabian dito sa nasabing bayan. Rey Velasco