Ex-B may pa-bday kay SAP Bong Go

Ex-B may pa-bday kay SAP Bong Go

June 15, 2018 @ 12:43 PM 4 years ago


Trending sa social media ang ginawang kanta ng Ex-Battalion para sa kaarawan ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.

Hango sa sikat nilang kantang ‘Hayaan mo sila’, ginawan nila ng tila campaign song ang selfie king kung saan sinasabi nila kung bakit siya nararapat sa senado.

Sa chorus ng kanta, ibinibida ng Ex-b si Go para tumakbo bilang senador dahil sa pagiging mapagkumbaba nito.

Pumalo na sa halos isang milyon ang views ng video ng kanta.

Sa facebook post, nagpahayag ng pasasalamat si Go sa naging regalo sa kanya ng grupo. (Remate News Team)